Ang Google Duo ay Google Meet na ngayon.
Matuto pa

Mga video call at meeting para sa lahat.

Ang Google Meet ay isang serbisyo para sa mga secure at mataas na kalidad na video meeting at tawag na available para sa lahat, sa anumang device.

Hero image

Ligtas na mag-meet

Ginagamit ng Meet ang mga proteksyong ginagamit ng Google para ma-secure ang iyong impormasyon at maprotektahan ang privacy mo. Ine-encrypt ang mga kumperensya gamit ang video sa Meet habang nagaganap ang mga ito, at patuloy na ina-update ang aming iba't ibang pag-iingat sa kaligtasan para sa dagdag na proteksyon.

Ligtas na Mag-meet

Mag-meet kahit saan

Tipunin ang buong crew sa Google Meet, kung saan puwede kang mag-present ng mga suhestyon sa negosyo, makipag-collaborate sa mga assigment sa chemistry, o makipagkwentuhan nang harapan.

Magagawa ng mga negosyo, paaralan, at iba pang organisasyon na mag-live stream ng mga meeting sa 100,000 manonood sa kanilang domain.

Ano ang Google Meet

Meet sa anumang device, kahit saan

Puwedeng sumali ang mga bisita mula sa kanilang computer gamit ang anumang makabagong web browser—walang software na kailangang i-install. Sa mga mobile device, puwede silang sumali mula sa Google Meet app. Puwede ring sumali ang mga bisita sa mga meeting at tawag mula sa Google Nest Hub Max.

Mag-meet sa anumang device

Malinaw na mag-meet

Umaangkop ang Google Meet sa bilis ng iyong network, kaya tiyak na mataas ang kalidad ng mga video call nasaan ka man. Dahil sa mga bagong pagpapahusay sa AI, nananatiling malinaw ang iyong mga tawag kahit maingay sa paligid mo.

Malinaw na mag-meet

Makipag-meet sa lahat

Sa pamamagitan ng mga instant caption na pinapagana ng teknolohiya ng Google na pagkilala sa speech, nagagawang mas accessible ng Google Meet ang mga meeting. Para sa mga indibidwal na iba ang native na wika, kalahok na may problema sa pandinig, o maiingay na coffee shop, napapadali ng mga instant caption para sa lahat na makasunod sa usapan (available lang sa English).

Makipag-meet sa Lahat
Patuloy na makipag-ugnayan

Patuloy na makipag-ugnayan

Nakakatulong ang simpleng pag-iiskedyul, madaling pag-record, at mga naiaangkop na layout sa mga taong patuloy na makipag-ugnayan.

Pagbabahagi ng screen sa mga kalahok

Ibahagi ang iyong screen

Mag-present ng mga dokumento, slide, at spreadsheet sa pamamagitan ng pagpapakita sa iyong buong screen o ng isang window lang.

Mag-host ng mga meeting

Mag-host ng malalaking meeting

Mag-imbita ng hanggang 500 internal o external na kalahok sa isang meeting.

Sumali mula sa iyong telepono

Sumali mula sa iyong telepono

Gamitin ang Google Meet app para sumali sa isang video call, o sumali nang may audio lang sa pamamagitan ng pagtawag sa numero sa pag-dial in na nasa imbitasyon sa meeting.

Kontrolin

Kontrolin

Ligtas ang mga meeting bilang default. Makokontrol ng mga may-ari kung sino ang makakasali sa meeting; ang mga taong naaprubahan lang ng may-ari ng meeting ang puwedeng sumali.

I-broadcast ang mga event

Mag-broadcast ng mga internal na event

Mag-live stream ng mga event gaya ng mga town hall at meeting sa pagbebenta para sa hanggang 100,000 manonood sa iyong domain.

Pinagkakatiwalaan ng mga nangungunang kumpanya ang Google Meet

Colgate-Palmolive
GANT
Logo ng BBVA
Logo ng Salesforce
Logo ng AIRBUS
Logo ng Twitter
Whirlpool
Logo ng PWC

Mga nangungunang tanong

Ano ang pagkakaiba ng Google Hangouts, Hangouts Meet, at Google Meet?

Ni-rebrand at ginawang Google Meet at Google Chat ang Hangouts Meet at Hangouts Chat noong Abril 2020. Inanunsyo namin noong 2019 na ima-migrate namin ang lahat ng user ng classic na Hangouts sa bagong produkto na Meet at Chat. Para makapagbigay sa lahat ng online na pakikipagkumperensya gamit ang video sa antas ng enterprise, nag-anunsyo kami ng walang bayad na bersyon ng Google Meet noong Mayo 2020.

Ligtas ba ang Google Meet?

Oo. Ginagamit ng Meet ang imprastruktura ng Google Cloud na secure na idinisenyo para makatulong na protektahan ang iyong data at ang privacy mo. Puwede mong malaman ang tungkol sa aming mga pangako sa privacy, pag-iingat laban sa pang-aabuso, at proteksyon sa data dito.

Puwede bang sumali ang mga external na kalahok sa isang tawag?

Oo naman. Para sa walang bayad na bersyon ng Google Meet, kailangan ay naka-sign in ang lahat ng kalahok sa isang Google Account para makasali. Puwede kang gumawa ng Google Account gamit ang isang email address sa trabaho o personal na email address.

Para sa mga customer ng Google Workspace, kapag nakagawa ka na ng meeting, puwede mong imbitahan ang kahit na sinong sumali kahit wala siyang Google Account. Magbahagi lang ng link o meeting ID sa lahat ng kalahok sa meeting.

Magkano ang Google Meet?

Magagawa ng sinumang may Google Account na gumawa ng video meeting, mag-imbita ng hanggang 100 kalahok, at mag-meet sa loob ng hanggang 60 minuto bawat meeting nang walang bayad.

Para sa mga karagdagang feature gaya ng mga internasyonal na numero sa pag-dial in, pag-record ng meeting, live streaming, at kontrol ng administrator, tingnan ang mga plan at pagpepresyo.

Nag-e-expire ba ang mga link sa Google Meet?

Ang bawat meeting ay binibigyan ng natatanging code ng meeting na may oras ng pag-expire batay sa kung saang produkto ng Workspace ginawa ang meeting. Magbasa pa rito.

Nakakasunod ba ang Google Meet sa mga kinakailangan ng aking industriya?

Ang aming mga produkto, kasama ang Google Meet, ay regular na sumasailalim sa hiwalay na pag-verify para sa mga kontrol ng mga ito sa seguridad, privacy, at pagsunod, at nakakatanggap ng mga sertipikasyon, pagpapatunay ng pagsunod, o ulat ng pag-audit batay sa mga pamantayan sa buong mundo. Makikita ang aming pangkalahatang listahan ng mga sertipikasyon at pagpapatunay dito.

Gumagamit ang aking organisasyon ng Google Workspace. Bakit hindi ko nakikita ang Google Meet sa Calendar?

Kinokontrol ng mga administrator ng IT ang mga setting ng Google Workspace, gaya ng kung ang Google Meet ba ang default na solution para sa pakikipagkumperensya gamit ang video sa Google Calendar. Bisitahin ang Help Center ng Google Workspace Admin para matutunan kung paano i-activate ang Google Meet sa iyong organisasyon.