Paano makipagkumperensya gamit ang video sa Google Meet
Pinapadali ng Google Meet ang pagsisimula ng secure na video meeting. Sumali mula sa anumang makabagong web browser o i-download ang app para magsimula.
Ano ang Google Meet
Ginagawang available ng Google para sa lahat ang pakikipagkumperensya gamit ang video sa antas ng enterprise. Ngayon, magagawa na ng sinumang may Google Account na gumawa ng online na meeting na may hanggang 100 kalahok at mag-meet sa loob ng hanggang 60 minuto bawat meeting.
Puwedeng gamitin ng mga negosyo, paaralan, at iba pang organisasyon ang mga advance na premium, kasama ang mga meeting na may hanggang 250 internal o external na kalahok at live streaming na may hanggang 100,000 manonood sa isang domain.
PAGSISIMULA
Paano mag-sign up para sa Google Meet
Para sa personal na paggamit
Kung gumagamit ka na ng Gmail, Google Photos, YouTube, o iba pang produkto ng Google, mag-sign in lang sa isang kasalukuyang Google Account.
Sumali, mag-host, o ibahagi ang iyong screen mula sa Google Meet mobile app. I-download mula sa Google Play o Apple Store.
MGA PANGUNAHING KAALAMAN SA MEETING
Paano magsimula ng video meeting
Gumawa ng bagong meeting
Para makagawa ng bagong video meeting, mag-log sa iyong kasalukuyang Google Account o mag-sign up nang libre.
Mag-imbita ng ibang tao sa iyong online na meeting
Magpadala ng link o code ng meeting sa sinumang gusto mong sumali sa meeting. Para sa libreng bersyon ng Google Meet, kakailanganin ng mga bisitang gumawa ng Google Account o mag-sign in sa isang dati nang Google Account para makasali.
Sumali sa meeting
I-tap ang link ng meeting mula sa imbitasyon, ilagay ang code ng meeting mula sa iyong host dito, o tumawag sa meeting gamit ang numero sa pag-dial in at PIN na nasa imbitasyon.
Paano gamitin ang mga libreng feature ng Google Meet
Libreng makipagkumperensya gamit ang video sa hanggang 100 kalahok. Ang Google Meet ay mayroon ding mga pag-iingat laban sa pang-aabuso gaya ng laban sa pag-hijack para makatulong sa pagprotekta ng iyong data at privacy.
Walang limitasyong bilang ng mga meeting
Makipag-ugnayan sa kahit na sino—mga katrabaho, kliyente, kaklase—gaano kadalas mo man gustuhin.
Mag-imbita ng hanggang 100 kalahok sa isang meeting. Kung ginagamit mo ang libreng bersyon ng Google Meet, kakailanganin ng sinumang iimbitahan mo na mag-sign in gamit ang isang Google Account para makasali sa meeting para sa dagdag na seguridad.
Instant na pag-caption sa mga meeting
Makasunod sa usapan nang real time sa pamamagitan ng mga naka-automate na instant caption na pinapagana ng teknolohiya ng Google na pagkilala sa speech. Para i-on ang mga closed caption, i-click ang tatlong tuldok sa screen ng Meet para ipakita ang opsyon (available lang sa English).
Para sa mga organisasyong nangangailangan ng suporta sa conference room, nag-aalok ang hardware ng Google Meet ng mga abot-kayang mataas na kalidad na opsyon para sa pagbili. O kaya, puwede kang matuto pa tungkol sa interoperability ng Google Meet sa mga system na hindi Google.
Screen ng preview ng video at audio
Kapag na-click mo na ang iyong code o link ng meeting, puwede mong i-adjust ang iyong camera at mikropono at tingnan ang hitsura mo bago ka sumali sa meeting. Makakakuha ka rin ng preview ng mga sumali na sa meeting.
Mga naa-adjust na layout at setting ng screen
Awtomatikong pinapalitan ng Meet ang layout sa isang video meeting para ipakita ang mga pinakaaktibong content at kalahok.
Para palitan ang layout, i-click ang tatlong tuldok sa sulok sa ibaba ng screen ng Meet.
Mga kontrol para sa mga host ng meeting
Madaling magagawa ng sinuman na mag-pin, mag-mute, o mag-alis ng mga kalahok. Para sa mga dahilang nauugnay sa privacy, hindi ka makakapag-unmute ng ibang tao. Hilingin sa kanyang i-unmute ang kanyang audio.
Pagandahin ang iyong mga presentation sa Meet gamit ang 10 tip na ito.
Pagmemensahe sa mga kalahok
Gawing mas nakakaengganyo ang mga meeting sa pamamagitan ng live na pagmemensahe habang may mga tawag. Para makapagbahagi ng mga file, link, at iba pang mensahe sa mga kalahok, i-click ang icon ng chat. Available lang ang mga mensahe habang nagaganap ang meeting.
Pagsasama sa mga Google at Microsoft Office app
Direktang sumali sa mga meeting mula sa Gmail o Calendar.
Puwedeng magdagdag ng mga user ng Microsoft Office sa isang imbitasyon, at puwede silang tumingin ng mga meeting sa kanilang kalendaryo sa Microsoft® Outlook®.
Para sa mga advanced na feature, kasama ang live streaming, tingnan ang mga plan at pagpepresyo.
SEGURIDAD AT PRIVACY
Seguridad, pagsunod, at privacy
Naka-on ang mga feature laban sa pang-aabuso bilang default
Gumagamit ang Google Meet ng iba't ibang pag-iingat laban sa pang-aabuso para mapanatiling ligtas ang iyong mga meeting, kasama ang mga feature laban sa pag-hijack at secure na kontrol sa meeting. Marami rin itong sinusuportahang opsyon sa 2-step na pag-verify kasama ang mga security key.
Pagsunod bilang suporta sa mga pampangasiwaang kinakailangan
Ang aming mga produkto, kasama ang Meet, ay regular na sumasailalim sa hiwalay na pag-verify para sa mga kontrol ng mga ito sa seguridad, privacy, at pagsunod. Para sa kumpletong listahan ng mga sertipikasyon at pagpapatunay, bisitahin ang Resource center para sa pagsunod.
Pangako sa privacy at pagprotekta ng iyong data
Sumusunod ang Google Meet sa mahihigpit na pangako sa privacy at proteksyon sa data na sinusunod rin ng iba pang serbisyo sa enterprise ng Google Cloud.
Walang feature o software ang Meet na sumusubaybay sa atensyon ng user.
Hindi gumagamit ang Meet ng data ng customer para sa pag-advertise.
Hindi nagbebenta ang Meet ng data ng customer sa mga third party.
MGA SOLUTION SA INDUSTRIYA
Google Meet para sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at mga nonprofit bilang bahagi Google Workspace
Magagawa ng mga guro, nonprofit, at propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan na naghahanap ng pakikipagkumperensya gamit ang video na kunin ang Google Meet sa pamamagitan ng Google Workspace, na may mga karagdagang feature at tool sa privacy.
G Suite for Education
Puwedeng gamitin ng mga paaralan ang Google Meet nang libre bilang bahagi ng G Suite for Education. Ang Meet, Classroom, at ang iba pang kasama sa Google Workspace ay puwedeng gamitin bilang pagsunod sa mga regulasyon tulad ng COPPA, FERPA, at GDPR.
Google Workspace para sa pangangalagang pangkalusugan
Gamitin ang Google Meet bilang bahagi ng Google Workspace para mabigyang-daan ang pagsunod sa HIPAA kapag malayuang nangangalaga ng mga pasyente sa pamamagitan ng mga virtual na pagpapatingin. Sa Google Workspace, puwede ka ring secure na mag-store ng data sa Drive at hindi gumamit ng papel sa pamamagitan ng mga digital na form sa pag-intake.
Google Workspace para sa mga nonprofit
Puwedeng gamitin ng mga kwalipikadong organisasyon ang G Suite for Nonprofits nang walang bayad. Kunin ang mga secure na app sa negosyo ng Google Workspace gaya ng Gmail, Drive, Docs, at Meet para matulungan ang iyong nonprofit na makipag-collaborate sa mas mahusay na paraan.
Paano ginagamit ng mga nangungunang kumpanya ang Google Meet
“Kami ay malalaking tagahanga ng Meet... Nakakatulong na nakikita namin ang bawat kalahok. Talagang kapaki-pakinabang ito sa panahon ngayon. Nasa Meet na ngayon ang lahat ng aming internal na meeting, dahil nagtatrabaho kami sa bahay.”
—Oliver Mientz, IT Manager, Burger King Deutschland GmbH
“Sa loob ng wala pang tatlong buwan, nasaksihan naming magtrabaho ang mga tao sa ibang paraan...sa mahigit 57,000 oras na mga session sa Google Meet na isinagawa sa iisang buwan lang, nabigyang-daan ang aming mga empleyado na makipag-collaborate habang nasa opisina at mobile, at naiugnay ang aming mga team mula sa iba't ibang sulok ng mundo.”
—Mike Crowe, CIO, Colgate-Palmolive
“Kailangan naming makipag-ugnayan sa maraming tao nang sabay-sabay at makita ang kanilang mga reaksyon, habang nakikita rin ng lahat ang iisang deck sa Slides. Hindi namin magagawa ang alinman sa mga ito kung wala ang Google Meet.”
—Leandro Perez, Senior Director ng Product Marketing, Salesforce